Kinaumagahan habang kaming magpipinsan ay nasa sakahan at doon ay naghihintay ng ibong titiradurin, napansin ng pinsan ko na ako’y tulala at tila may inisip.
“Lito bakit tulala ka? may problema ka ba?” Tanong ng aking pinsan.
“Ah, wala naman “ aking sagot
Nang mga oras na yun ako ay nag-iisip kung paano ko mapupuntahan si lolo Tacio, kung paano ko matatakasan ang aking mga pinsan. Maya-maya ay may ideyang pumasok sa aking isipan. Isang malaking pagkakamali na nagawa ko sa aking buhay.
“Albert sumasakit ang tiyan ko.” Aking sumbong
"Bakit? may nakain ka bang hindi maganda? baka maya-maya mawala din agad yan.” kanyang sagot
“Iba kasi yung tubig dito. Hindi yata ako hiyang kaya sumasakit ang aking tiyan, iba kasi ang tubig sa amin eh.” ang daglian kong sagot
“Siguro nga, masakit na masakit na ba ang tiyan mo?" Muli’y kanyang tanong
“Oo eh.” Aking sagot habang hinihimas ang aking tiyan
“Sige, uwi ka na muna baka mapasama pa ang lagay mo, mabuti nang doon ka na muna sa bahay hanggang bumuti ang iyong pakiramdam. Ako ng bahalang magsabi sa kanila na umuwi ka na.” muli ay tugon ng aking nag-aalalang pinsan.
“Maraming salamat” aking sagot at ako ay dali daling umalis upang magtungo sa kubo ni Lolo Tacio.
Sa di kalayuan ay natatanaw ko na ang kanyang kubo. Habang tinatahak ko ang daan patungo sa kanyang kubo ay napansin kong mayroong sinusunog (mga tuyong dahon mula sa puno). Dahan dahan akong lumapit, huminto ako sa harap mismo ng pintuan ng kanyang maliit na kubo, bukas ang pinto tumawag ako pero tila walang tao sa loob.paulit ulit akong tumawag pero talagang walang sumasagot. Hindi na ako nakatiis dahan-dahan kong pinasok ang kubo.
Sa aking pagpasok ay maingat akong humahakbang, biglang may narinig akong tunog.ako’y nagulat at pigil hininga kong sinundan at inalam kung saan nanggaling ang naturang tunog, tinungo ko ang kusina at lumuwag ang aking paghinga sapagkat.tunog lamang pala iyon nang takore na may kumukulong tubig. Ngunit ako ay nagtataka nasaan ang tao sa kubong yun? Hindi naman mag sasarili ang takore na mag-init ng tubig?
Sa liit ng kubo ay halos nalibot ko na iyon ngunit wala si lolo Tacio, maliit lamang ang bahay pero ang ipinagtataka ko bakit tila ata napakaraming baul halos mapuno na ang kubo nang baul.
Maya maya ay nakarinig ako nang mga yabag na nagmumula sa hagdan paakyat ng bahay naisip ko na si lolo Tacio na siguro yun. Hindi nga ako nagkamali at sinalubong ko agad siya.
“Magandang hapon po lolo Tacio” bati ko sa matanda.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni lolo Tacio. Nakasuot siya ng damit pangbukid na medyo maputik na rin.
“Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok? Nagkukunot noong kanyang tanong.
“Bukas po kasi ang inyong pintuan kaya ako’y nakapasok”. Akin namang sagot.
“Oo nga pala mali ang tanong ko, ang dapat ko palang na tanong ay sino ka at bakit pumasok ka sa kubo ko? Anong pakay mo bata?" Nagtatakang kanyang tanong.
“Pasensya na po kayo kung ako’y pumasok na lamang. Kanina pa po kasi ako tumatawag sa labas pero walang sumasagot.” Aking sagot sa kanyang katanungan.
“Anong pakay mo at sinadya mo ako dito, baka mamaya maabutan ka nang aking mga apo. Baka saktan ka lang nila. Ayaw nila akong makikipag-usap kahit kanino. Umalis ka na! Ipinapahamak mo lang ang sarili mo!” ang pagalit na pananalita ni lolo Tacio.
“Lolo Tacio kaya po ako naparito ay may gusto po akong malaman.” Aking sambit.
“May gusto ka kamong malaman? at anu naman yun bata?” nagtatakang tanong ni lolo Tacio.
“Gusto ko pong malaman kung ano po talaga ang naging karanasan nyo nung pasukin nyo ang yungib na sinasabing walang nakakalabas ng buhay pag pinasok? di ba ho pinasok nyo yun? at kayo po ay nakalabas ng buhay? Gusto ko pong malaman ang mga misteryong bumabalot sa yungib na iyon.” Sunod sunod na aking katanungan.
Tinitigan ako ni lolo Tacio at nararamdaman ko may ibig sabihin ang mga tingin nyang yun. Kung ano man yun ay hindi ko alam at nais kong matuklasan.
“Bakit mo nais malaman? hindi mo ba alam na isa akong baliw? kanyang tanong
“Pasensya na po lolo Tacio ngunit ayon sa aking obserbasyon kayo ay hindi baliw. Alam ko na nagsasabi kayo ng totoo. Alam ko ang baliw sa hindi.” Taas noong tugon ko sa nauna nyang sinabi.
“Ngunit hindi mo ba alam kaya ako inilayo nang mga apo ko sa kanayunan sapagkat ako’y baliw. Walang naniniwala sa akin.” Sabi ni lolo Tacio.
“Ako ho lolo Tacio ay naniniwala sa inyo. Nararamdaman ko po na ang lahat ng sinasabi nyo ay totoo.” muli ay aking sambit.
Sa mukha ni lolo Tacio ay nakita ko ang kagalakan, tipid man ang kanyang mga ngiti pero nababakas ko ang saya sa kanyang mukha.
“Hindi ko akalain na may maniniwala pa sa akin at isa pang musmos na bata."
Pinaupo ako ni lolo Tacio at inanyayahan uminom ng kapeng galing sa sinunog na bigas. Napakasarap pala ng ganung uri ng kape.
“May sasabihin ako sa iyo ngayon at ipapaalam ko sa iyo ang lihim. Kailanman ay wala pang nakakaalam nito dahil walang naniniwala sa akin na nanggaling talaga ako sa yungib ng kamatayan. Ibibigay ko yun sa iyo at ikaw na muna ang magtago ng sasabihin ko sa iyong lihim.”
Pumasok si lolo Tacio sa kanyang silid at inilabas ang isang baol na may nakapalibot na kadena at nakakandado ito.
“Nandito ang lihim. Dahil sa inabot na ako ng ganitong edad ng katandaan naniniwala ako na ito ay para sa iyo.”
Saglit lang at sumilip siya sa labas at nakita niyang dumarating na ang kanyang mga basagulerong apo.
“Ibabalik ko muli itong baol sa silid ko at padating na ang mga apo ko. Umuwi ka na muna sa inyo para hindi ka nila masaktan pa.”
Ang Bangungot
Huli na ang lahat nang ako ay bumaba sa bahay ni Lolo Tacio sapagkat sinalubong na agad ako ng apat niyang apo.
“Hoy bata, magnanakaw ka ano!” Sinigawan ako ng nagngangalang Bruno.
Inakbayan agad ako ng dalawa at hiindi pa man lang ako nakakasalita ay dinapuan na ng malakas na suntok ang aking nguso.
“Tigilan nyo yan!”sigaw ni lolo Tacio pero tila walang naririnig na pagsaway mula sa kanya ang mga apo, tuloy pa din sila sa pagbubugbog sa akin.
Halos nandidilim na ang aking paningin. Lumapit si lolo Tacio at pinigilan ang mga ito. Nakahanap ako ng tyempo para makatakas at binilisan ko ang pagtakbo.hinabol ako ng nga ito ngunit paglagpas ng sapa ay nag sitigil din sila sa paghabol sa akin.
Kahit hirap sa paglalakad ay pinilit kong tahakin ang daanan patungo sa aming bahay at nang ako ay makarating doon ay laking gulat ng lahat nang makita ang aking hitsura. Halos hindi na nga nila ako nakilala sa dami ng aking sugat at pasa.
Kaagad rin ay kanila akong ginamot, kitang kita ko ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.
“Ano bang nangyari sa iyo? bakit nagkaganyan ka? sino may gawa sa iyo nyan” naguguluhang tanong ng aking tiyahin habang ako’y nilalapatan ng gamot.
“Binugbog po kasi ako ng mga kabataan sa bayan.” Akin namang sagot.
“Ano? Bakit ka naman nila binugbog? Anong kasalanan mo?" Tanong ni Jennah na makikitaan ng pagtataka sa mukha.
“Hindi ko alam eh, marahil ay napagkamalan nila na bagong salta ako at hindi ako taga rito kaya nila ako napag-initan.” Akin namang palusot.
“Naku bata ka! Ano ba kasing ginagawa mo sa kabayanan!?” may galit na tanong ng aking lolo.
“May bibilhin lang naman po ako lolo, hindi ko naman po akalain na ganun ang mangyayari po sa akin eh. Hindi ko po akalain na wala din po palang pinagkaiba ang ugali ng mga kabataan sa maynila sa ugali ng kabataan dito.” Aking sunod na palusot.
“Kahit saan namang lugar hindi nawawala ang mga basagulero iho” may buntong hiningang sambit ng aking tiyahin.” Nasa saiyo na ang pag iingat kaya sana sa susunod wag ka na ulit babalik doon ng wala kang kasama na isa sa mga pinsan mo, buti sila at kilala na talaga dito pag kasama mo sila siguradong wala ng mananakit sa iyo” may pag aalalang sabi ng aking tita habang patuloy akong ginagamot.
"Nakilala mo ba sila at isusuplong natin sa mga pulis?"
"Hindi po, huwag na po."
“Sa susunod ayaw ko ng mauulit pa ito ha!? Tanong na aking lolo na medyo may galit pa.
“Opo lolo pasensya na po.” Malungkot kong sagot.
Kunsensyado ako ng mga pagkakataong iyon sapagkat sari-saring pagsisinungaling ang lumabas sa aking bibig. Pinagsisihan ko agad ito. Tumingala ako sa langit at pumatak ang aking mga luha.
Matapos ako gamutin ni tita ay naghapunan na rin kami at maaga kaming pinatulog. Ngunit sa kasamaang palad ako ay hindi pa ako dinadalaw ng antok.
Nag-iisip ako kung paano makakabalik kay lolo Tacio nang hindi kami magkakabanggaan ng kanyang mga apo at kung paanong malalaman ko ang lihim ni lolo Tacio ng matiwasay na walang mangyayaring ano mang gulo. Ganun din naman kung paanong hindi malalaman ng aking mga kamag-anak ang plano ko. Gustong gusto ko talagang malaman ang misteryong bumabalot sa mahiwagang yungib na iyon ngunit may isang katanungang paulit ulit na pumapasok sa aking isipan at iyon ay ang katanungang PAANO?
Ilang araw ko ding pinag-isipan kung paano ko gagawin ang aking plano. Halos gabi-gabi akong hindi makatulog sa pag-iisip sapagkat nararapat kong magawa ito ng malinis at walang sabit.
Ang Baul ni Lolo Tacio
Hanggang sa isang araw nagpasya akong puntahan muli si lolo Tacio sa kanyang kubo ngunit ako’y nagtaka bakit tila maraming tao sa kubo ni lolo Tacio.
Anong mayroon doon? Birthday ba kaya ni lolo Tacio kaya madami syang bisita?
Pero hindi sapagkat sa aking pagkakaalam kaya dinala sa kabundukan si lolo Tacio ay para ilayo sa mga tao sa paniniwalang ang matanda ay isang baliw. Kung ganun, anong mayroon sa kubo ni lolo Tacio at maraming tao?
Sa di kalayuan ay natanaw ko na may mga naglalaro ng baraha at sa aking pagmamasid ay tila may nakita akong taong pamilyar na pamilyar sa akin ang mukha.tinitigan ko itong mabuti at tama ang aking hinala, isa sya sa mga apo ni lolo Tacio na nambugbog sa akin, sya ay walang iba kundi si Bruno.
Napagtanto ko na kinakailangan kong mag-ingat sapagkat baka maulit nanaman ang aking sinapit ilang araw na ang nakakalipas.
Ganuon na lamang ang pagkalungkot ko ng aking mapagtanto ang tunay na dahilan kung bakit maraming tao sa kubo ni lolo Tacio. Ito ay sa kadahilanang may ataol sa loob na naiilawan ng malamlam na bumbilya at may picture ni lolo Tacio. Si lolo Tacio ay sumakabilang buhay na pala. Halos ako’y manghina sa mapait na katotohanang iyon saglit ay napasandal ako sa puno ng mangga at nag-isip.
Ngayong wala na si lolo Tacio, paano ko pa malalaman ang sikreto ng misteryosong yungib na iyon? Paano ko pa malalaman ang hiwagang nakabalot sa nasabing yungib gayong wala na ang nag-iisang taong makakapagbahagi sa akin ng kasaysayan ng yungib na iyon. Paano na kaya?
Hindi nagtatapos doon ang aking pag-asa na malaman ang misteryo ng yungib na yun nang maalala ko ang lihim na gusto sanang sabihin sa akin ni lolo Tacio na sya mismong nakapaloob sa itim na baul na nababalot ng kadena.
Gusto kong malaman kung anong nasa loob nyun pero ang tanong, paano ko yun makukuha sa kanyang silid ng walang makakapansin at makakaalam?
Inabot ako ng dilim sa pag-iisip kung papaano ko papasukin ang silid ni lolo Tacio. Sa di kalayuan ay napansin kong may mga taong nagbababa ng mga baol ni lolo Tacio.
"Naku po ibinababa na nila ang mga baul ni lolo Tacio. Kailangan ko silang maunahan!"
Natatakot man sa posibleng mangyari ay nakipagsapalaran ako. Tinungo ko mismo ang pintuan para pumasok. Hindi ako lumilingon sa pwestong kinalalagyan ni Bruno sa takot na makilala nya ako at baka yun na ang maging katapusan ko pag hindi ako mag-iingat.
Sa awa ng Diyos ay matiwasay akong nakapasok sa kubo ni lolo Tacio. Pabalik balik ang mga tao. Umupo muna ako ng sandali sa gilid, nakikiramdam ako sa mga tao.
Hindi dapat nila ako mahuli na pumapasok sa silid ni lolo Tacio, muli’y ako’y tumayo at dahan dahang tinungo ang silid ni lolo Tacio sinigurado kong walang makakapansin sa aking ginagawa. Ako’y nagtagumpay matiwasay kong napasok ang kanyang silid. Madilim sa boong kwarto dahil wala doong ilaw. Hinugot ko ang aking flashlight sa bulsa at syang ginamit ko upang hanapin ang itim na baol.
Nakita ko ang baul sa kanto ng silid. Binuhat ko ito ngunit bago pa ako makarating sa may bintana ay narinig kong inuutusan ni Goryo si Bruno na kumuha pa ng alak sa may silid ni Lolo Tacio, silid na kung saan ay naroon ako. Kaya muli kong ibinalik ang baol sa dating kilalagyan nito at ako ay dumapa sa sulok nito.
Narinig ko ang mga yabag ni Bruno. “Napakadilim naman dito Goryo! Nasaan ba banda yung mga alak?” ang galit na pagtatanong ni Bruno.
“Nandiyan lang yun sa may sulok bandang kaliwa!” ang mabilis na tugon ni Goryo.
“Bilisan mo at ang tagal-tagal mo diyan! Kanina pa kami dito naghihintay!”
Napansin kong papunta sa akin si Bruno kaya nabatid kong ang lugar na kinalalagyan ng alak ay katabi ko na mismo. Kinakapa ito ni Bruno kaya sa halip na ako ang mahawakan ay mabilis kong iniabot ito nang hindi niya nababatid.
Muli siyang kumapa sa sahig at iniabot ko pa ang isa. Nang makakuha na siya ng dalawa ay umalis at bumalik na sa may baba.
Nakahinga ako ng maluwag sa pagbabang yun ni Bruno.
Bakit napakatagal mo!?”may halong panenermon na sabi Goryo.
“Hinanap ko pa kasi itong mga alak eh.” Nangangamot na sabi ni Bruno.”
Nakapagtataka nga eh parang may nag-abot ng mga alak sa akin.”
“Naku Bruno grabeng imahinasyon mo yan. Hwag mong sabihing nagmumulto si lolo Tacio” natatawang biro ni Goryo.
Dahan-dahan akong kumilos, kinuha ko ang baol at agad ay tumayo. Medyo may kabigatan ang baul na aking hawak kaya hirap ako sa pagkilos.
Hindi ako dapat dumaan sa pintuan sapagkat makikita ako ng lahat na may dala dalang baul at baka maging mitsa pa ito ng aking buhay.
Nakita ko ang bintana at doon ako dapat dumaan para walang sinuman ang makakita sa akin.
Habang sa baba ay nagbibiruan ang magbabarkada.kinakantyawan si Bruno dahil sa pagdududa nitong may ibang tao sa silid. Walang tigil sa pangangantyaw sila Goryo hanggang sa mapikon si Bruno.
Niyaya nya ang mga barkada na puntahan ang naturang silid ng matanda. Narinig ko ang usapan nila na aakyat sila sa taas. Sisilipin nila kung may tao sa silid.
Lalong lumakas ang kaba sa aking dibdib na halos marinig ko na ang kabog nito.
Dali dali kong tinungo ang bintana at agad ay tumalon. Halos manhid na ang aking katawan sapagkat hindi ko naramdaman ang sakit na dulot ng pagkalaglag ko. Agad kong nilisan ang naturang lugar.
“Nasaan naman ang sinasabi mong tao dito sa loob!?” tanong ni Goryo nang sila ay nasa kwarto na.
“Oo nga naman Bruno, baka naman imahinasyon mo lang yun o di kaya minumulto ka na ni lolo Tacio” sambit ni Tado.
Napakamot ng ulo si Bruno. Maya-maya ay may napansin sya.
"May nawawala, parang may nawawala dito. Parang may kulang” nagtatakang sabi ni Bruno sa mga kasamahan.
“Ano naman sa tingin mo ang mawawala dito aber?” tanong ni Goryo
Iniisip ni Bruno ang bagay na tila naroroon pa kanina lamang pero ngayon ay wala na. Hanggang sa ito ay naalala na nya. Ito ay ang baul na nasa loob ng silid ni lolo Tacio.
"Nawawala ang itim na baul ni lolo Tacio!" pasigaw na sambit ni Bruno.
asan na ang kasunod tgal na aq ngaantay
ReplyDeleteung ksunod po ng kuwento please lng po???
ReplyDelete